Kabanata 14: "Hindi ka ba natatakot sa taong iyon?" Akala ko tuluyan na siyang walang pakialam kanina noong hindi manlang siya umalma nang pasunurin ko si Rayven sa opisina ko. Ngunit nang tuluyang umalis si Rayven, pumasok din talaga siya rito sa opisina at iyan ang ibinungad sa akin. "Hindi ako natatakot sa kaniya, bakit naman ako matatakot?" tanong ko sa kaniya. Napailing na siya. "Bakit ba ang hilig mong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan?" inis na tanong niya pabalik. Kumunot ang noo ko. "At bakit ba ang hilig mong mangialam?" Itinikom niya ang bibig niya sa sinabi ko. Akala ko may sasabihin pa siya pero hindi iyon ang nangyari, tinalikuran niya ako at mabilis na lumabas ng opisina. Wala na akong nagawa kundi ang mapailing na lamang. Wala naman siyang magagawa kung gusto kong