Matias POV. “Sino?” mariin kong tanong. Tahimik si Senyor Ortiz sa loob ng ilang segundo bago siya humakbang palapit. “Ang taong nasa likod ng lahat…” Bahagya siyang tumigil. “…ay ang founder ng Black Shadow Syndicate.” Biglang naningkit ang mga mata ko, “imposible, matagal nang nawala ang organisasyong iyon. Kahit ang Black Phoenix Organization ay muntik na rin nabura noon dahil sa kanila. “Impossible,” seryosong sabi ni Edmund. “Dalawampung taon nang patay ang founder nila.” “Hindi. Hindi siya namatay.” Kumuyom ang kamao ko, da paraan ng pananalita ni Senyor Ortiz hindi siya nagsisinungaling. “Kung ganoon…” mahinang sabi ni Gladi sa likuran ko, “bakit kami ang target nila?” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Ortiz. Parang may madilim siyang alaala na pilit binabaon sa limot. At n

