Hindi ko kinausap buong araw si Andres. Nagkulong ako sa kwarto ni daddy at umiyak lamang ng umiyak buong maghapon. Nakayakap ako sa picture frame ni daddy habang naka-fetal position ako sa kanyang kama. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ako makapapayag na bilhin ng kung sino ang pagmamay-ari ng daddy ko. Oo na’t hindi ko ito pinaghirapan. Oo na’t wala akong magawa. Pero ngayon, gagawin ko ang aking makakaya para i-preserve ang alaala ni dad. Sa akin ang lupang ito. Sa akin lahat ipinamana ni daddy ‘to. Walang sinuman ang pwedeng magmay-ari nito kung hindi ako lang. Tumayo ako at tinitigan ang litrato ni dad. Hinalikan ko iyon bago ko ibinalik sa bedside table na katabi ng lumang lampshade. Determinado akong lumabas ng kwarto ni dad. Nasa sala pa rin si Andres ngunit hindi ko siya pinan