"I still can't believe that guy for selling Tito Hermano's property," umiiling na saad ni Leo. Matutunog sa kanyang boses ang pagkadismaya. "I don't understand why you're being an ass, Leo," naiinis na wika ni Janessa. Nasa rancho kaming lahat ngayon. Halos kumpleto ang buong pamilya. May kanya-kanyang usapan at grupo ang mga matatanda pati na kaming mga magpipinsan. Dinig ko sa kabilang table ang pag-usap nina Tita Claudia, Tito Samuel, at Tito Andrew tungkol sa mga namana nila at ang pagbenta ni Andres sa lupain namin ng aking ama. I didn't want to eavesdrop ngunit naging invested na ako sa kanilang usapan. I might be conversing with my cousins ngunit ang isip ko ay lumilipad papunta sa gawi nila Tita Claudia. "...we can't do anything anymore. This really has to happen. I can't bla