Kabanata 23

1339 Words
Mariya Ysabelle Margarita “Saan pala tayo pupunta, Jan?” tanong ko kay Janessa habang nagmamaneho siya. Matarik ang aming dinadaanan na para bang pababa kami sa populated part ng isang bundok. “Sa lugar kung saan pwede tayong mag-usap ng walang nakakarinig,” sagot ni Janessa habang nakapokus sa kalsada at sa kanyang pagmamaneho. Dinala niya ako sa isang cozy restaurant. Mukhang dito na kami manananghalian. Nang makapasok kami ay pinili ni Janessa iyong bakanteng mesa sa kaliwang dulo. It was a four seater table. Magkaharap kaming umupo ni Janessa. “Kumain muna tayo. Pumili ka na ng makakain mo. Treat ko,” aniya habang nakatitig sa menu na dinampot niya sa mesa. “Ikaw na pumili para sa akin,” saad ko naman habang nakapangalumbaba sa mesa. “Ikaw talaga. Sige.” Matapos makapili ng pagkain si Janessa ay tinawag niya iyong waitress at sinabi ang mga pagkain na gusto niya para sa aming dalawa. She chose a veggie salad for me. “Hindi ka na busy?” tanong ko sa kanya nang makaalis na iyong waitress. “Busy ako, cous. We just really need to talk,” ani Janessa. Base sa tono ng boses niya ay alam kong hindi ito tungkol sa mga boylet niya na nami-meet niya sa mga bar. “Tungkol saan?” kunot-noo kong tanong. Huminga ng malalim si Janessa at tumulala muna sa mesa na tila pinipili niya sa kanyang isip ang mga salitang kanyang sasabihin. She bit her lower lip as if she is hesitant to say anything. “Ano, Jan?” nag-aalala kong sambit. Tiningnan ako ni Janessa at saka na siya nagsalita. “Nag-aaway ang mga tito at tita dahil sa mana. Aware ka ba? Nakausap mo na ba si tito Hermano?” “Uh.. oo nadidinig ko. Nagpunta pa si tita Valeria sa old house at kung anu-ano ang sinasabi kay Rage,” sagot ko. “About dad, hindi ko pa siya nakakausap. Bakit?” Nakatitig lamang sa akin si Janessa. Nangingilid ang mga luha niya. Bigla tuloy akong nag-alala. Janessa was about to speak when my veggie salad came. Nang ilapag iyon ng waitress ay naamoy ko kaagad iyong onions. Bumaligtad ang sikmura ko sa amoy at naduwal ako. I put may hands on my mouth to cover it. Umiiling ako habang ang isang kamay ko ay inilalayo ang plato ng veggie salad. Natataranta naman si Janessa sa inaakto ko kaya naman nagsalita siya. “Pakipalitan na lang, please. Katulad na lang ng inoder ko. I’ll for it, don’t worry. Thank you,” nagmamadaling wika ni Janessa. Madali namang kinuha ng waitress iyong veggie salad hanggang sa mawala na sa aking pang-amoy iyong sibuyas. Nagmadaling tumayo si Janessa at umupo sa bakanteng upuan. Hinila niya iyon papunta sa tabi ko at saka niya sinalat ang noo ko at leeg. “Cous! Anong nangyayari sayo? Palagi ka namang kumakain ng veggie salad ah!” nag-aalalang wika ni Janessa. “Hindi ko alam… ang baho ng ano.. yung sibuyas..” nanghihina kong wika. Sakto namang bumalik iyong waitress dala ang pitcher at dalawang baso. Pinagsalin ako kaagad ng tubig ni Janessa at pinainom iyon sa akin. “Hala! At kailan ka pa nag-inarte sa sibuyas? Hindi kumpleto ang veggie salad mo kung walang sibuyas, hindi ba?” “Hindi ko rin alam… basta ayokong maamoy ang sibuyas..” pag-uulit ko. “Nako, iba na yan, ha,” ani Janessa. “Hindi ka naman nilalagnat. Hindi ka naman lumalabas sa lupain. Hindi kaya nabuntis ka ng tikbalang?” pambibiro ni Janessa at saka pa siya tumawa. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Natameme ako bigla. Does that mean… Napatitig ako kay Janessa. Nangingilid ang mga luha ko dahil hindi ko mawari iyong nararamdaman kong tuwa. Alam kong hindi ko pa ito nakukumpirma ngunit alam kong mayroon kaming nabuo. May baby na ba kami ni Rage? Should I tell Janessa? Bubuksan ko na sana ang bibig ko para ilahad kay Janessa ang tunay na relasyon namin ni Rage. Ngunit tumunog ang phone niya. Somebody is calling her. Bumalik si Janessa sa kinauupuan niya at kinuha niya sa kanyang bag iyong phone. “Si Rage tumatawag,” ani Janessa. She answered it right away. “Hello, Rage?” Tumingin si Janessa sa akin. “Oo, kasama ko siya. Bakit?” Marahil ay nagsasalita si Rage sa kabilang linya at masinsinan namang nakikinig si Janessa. Ngunit ang ipinagtaka ko ay unti-unting napapalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ni Janessa hanggang sa mangilid ang mga luha niya. Napakunot ang noo ko sa kanya dahil sa kanyang reaksyon. Nagsimula na akong makaramdam ng pag-aalala. “Janessa, anong sinasabi ni Rage?” nag-aalala kong tanong. I even leaned my body towards the table to listen to Rage ngunit hindi ko ito marinig. Ibinaba ni Janessa iyong phone at humarap sa akin. Tumulo ang mga luha niya habang nakatitig siya sa akin. “Ano ba, Jan. Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?” Dumoble ang kaba sa dibdib ko dahil hindi naman umiiyak si Janessa ng ganito. Inabot niya iyong dalawang kamay ko na nakapatong sa mesa. “Cous.. ang daddy mo.. uuwi na siya..” ani Janessa. Tinakpan niya ang bibig niya dahil pinipigilan niyang umiyak ng tuluyan. “Should we be happy? I haven’t seen my dad for years. Bakit ka umiiyak?” naguguluhan kong tanong. “Dapat sinabi muna sa akin ni Rage. Are they trying to surprise me?” Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa kalooban ko kahit na umiiyak ng tahimik si Janessa. I have to tell my dad about my relationship with Rage. Alam kong tututol ang pamilya pero mahal ko si Rage. And we’re gonna have a baby. And my dad is going to be a granddad. Umiling si Janessa sa aking tanong kung may balak silang isurpresa ako sa pag-uwi ni dad. Then, she spoke again that made my heart crushed into pieces. “Si daddy mo.. wala na siya.. wala na si tito Hermano, Ysa.. I’m sorry..” Natanga ako sa sinabi ni Janessa. Napaawang ang bibig ko habang unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Binawi ko ang mga kamay ko na hawak ni Janessa. Unti-unting nagsipatakan ang mga luha ko. My tears were big and kept falling down my cheeks. Umiling ako ng dalawang beses habang nagpe-playback sa isip ko ang mga memories namin ng daddy ko. “No.. hindi yan totoo.. huwag mo akong biruin ng ganito, Janessa.. hindi ito nakakatawang biro. Bawiin mo ang sinabi mo,” saad ko. Lalo lamang umiyak si Janessa at umiling. Dahil doon ay bigla akong tumayo at dinabog ang mesa sa mga palad ko. “Hindi yan totoo! Hindi pa patay si daddy! Hindi pa siya patay!” I screamed at her. Naghalo-halo ang emosyon ko at wala na akong pakialam kung nakatingin sa amin ang mga ibang customers. I stormed out of the restaurant and went to Janessa’s car in the parking lot. Then, I cried hard as I kept banging the front of her car with my hands. “How could you leave me like this, dad! How could you do this to me?!” I yelled. Nanghihina ang aking buong katawan dahil sa nalaman ko. Napaluhod ako sa tapat ng sasakyan ni Janessa habang patuloy pa rin akong humahagulgol. Unti-unti kong nararamdaman ang pagkahilo at nahihirapan na ring huminga dahil sa pag-iyak. I could feel I’m going to pass out. Ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat at mapahiga sa semento ay naramdaman ko ang dalawang kamay na umalalay sa akin. “I’m sorry, Ysabelle. But it is time,” wika ng pamilyar na boses. That person carried me like a bride and he put me inside a car. “A-andres..” saad ko sa kanyang pangalan. Inilagay niya ang seatbelt sa akin at saka siya lumipat sa driver’s seat. Then, he started to drive. “S-saan mo ako dadalhin..?” Nanghihina kong tanong. “We have to get married before it’s too late. That’s your late mother’s wish before she died.” W-what?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD