After a year ay nawalan na ng bisa na ang kasal ni Sky at Kristina at maraming natawa dahil akala nila ay mauuna kaming magpakasal ni Sky pagkatapos ng annulment nila. Pero nagulat na lang ang lahat dahil pagkatapos gumaling ni Kristina sa sakit niya ay nag-announce na itong ikakasal na sila ng nobyo at wala pang dalawang buwan ay nagpakasal na sila kaagad dahil atat na atat na si Gino. Sa loob ng taon na 'yon ay naging kontento at masaya ako dahil naging maayos ang operasyon ng anak ko at kay Mariela. Utang ko sa kaniya ang buhay ng anak ko at hindi ko 'yon mababayaran kahit pa hanggang sa kamatayan ko. Maraming magagandang nangyari sa buhay naming lahat at umuwi rin si Kristina sa Pilipinas kasama ang nobyo niya. Gumaling na rin ito sa sakit at malaki ang pagkakataon at pag-asa na mag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books