TINY POV Ilang buwan ng hindi ko nalikitq si Sky. Tumatawag naman siya dati pero iba talaga kapag nakikita ko siya sa personal. Maging ang anak namin ay hinahanap na rin siya dahil nasanay na itong kasama namin siya palagi. Nakakalungkot dahil para akong naninibago. Hindi ko maitatanggi na namimis ko na siya at gusto ko na siyang makita ulit. Wala akong ideya kung gaano ba talaga siya kaabala at hindi man lang siya maka-video call sa akin ngayon. Pero ayaw ko namang maging makulit sa kaniya dahil sino ba naman ako para panghimasukan ang mga desisyon niya sa buhay. At isa pa ay wala naman kaming relasyong dalawa. Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang aking sarili na wala akong dapat e-expect sa kaniya. Ngayon na ang kaarawan ko pero mukhang hindi 'yon naaalala ni Sky. Nang tanungin ko s