SKY POV Kinausap ko ang mga kaibigan ko kung maari ba nila akong matulungan para makahanap ng donor para sa anak ko. "Dude, baka may kakilala ka? Handa akong magbayad kahit magkano ang gusto nila basta mailigtas lang ang buhay ng anak ko." Si Khazer ang una kong nilapitan dahil minsan na ring naoperahan ang Daddy niya noon sa kidney. At na kwento niya sa akin noon na may mga kakilala ang nag-donate sa Daddy niya na handang magbinta ng mga organs kapalit ng pera. Hindi lang niya alam kung kasali ba ro'n ang bone marrow pero sinubukan ko pa rin siyang kausapin. "Hindi ako sigurado Sky pero susubukan ko ang lahat ng magagawa ko." "Thank you, Dude tatanawin ko itong malaking utang na loob. Sige hindi na ako magtatagal at gumagabi na rin," paalam ko sa kaibigan at hinatid pa ako nitl sa