TINY POV Nang makabalik ako sa kwarto ay kaagad akong tumabi nang higa sa anak ko. Doon ko na inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Para akong hinati sa sakit at parang winasak ang puso ko. Ngayon ko lang napagtanto na walang karapatan ang kahit na sino upang husgahan ang buhay ng bawat tao. Napagtanto ko na kaya pala ang daming tao na gustong mamatay at nagpapakamatay dahil sa dami ng problema, lalo na kung ang problema ay 'yong sa tingin mo na wala ng ibang solusyon at tanging kamatayan na lang ang makalulutas sa lahat. Bawat tao ay may kaniya-kaniyang problema. Ang iba naman ay sawi sa pag-ibig o nasaktan dahil iniwan. Siguro kung hindi lang dumating sa buhay ko ang anak kung si Skyte ay baka nagawa ko na rin sumuko noong mga panahong ikinasal si Sky. Kung hindi ko lang nai