"Sky, lasing ka na," saway ko sa rito at pilit kong binabawi ang braso kong hawak niya. Ngunit kahit ano'ng pilit kong bawiin iyon ay mahigpit ang ginawa niyang kapit sa aking braso at ayaw akong pakawalan. Napansin kong nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin para bitawan niya ako. Sinubukan kong salubungin ang mga titig niya pero sa huli ay ako rin ang sumuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya dahil nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Ang kan'yang paghihirap ngayon ay hindi ko kayang tiisin dahil ako ang mas unang nasasaktan. "Bakit ka pa ba nagpakita sa akin ulit?" nahihirapan nitong tanong sa akin at ang kan'yang mapupungay na mga mata ay parang maiiyak na rin. "Sky, nasasaktan ako," saway ko sa kaniya ngunit paran