Hinatid ako ni Jonathan sa Resort at hindi rin siya magtatagal dahil may importante siyang pupuntahan. Inimbatahan niya pa akong sumama pero tumanggi ako. "Bye, love, i love you," nanunudyo niyang usal sa akin. Pinapaalala niya sa akin ang kahibangan ko nang nasa restaurant kami para pagselosin ang dati nitong nobya. "I miss you already, love." Natatawa ko itong pinaalis pagkatapos kong sabihin ang mga katagang binitawan. Kanina pa kami parang nababaliw at pareho naming pilit na pinapasaya ang aming mga sarili. Sabay na napabaling ang mga tingin namin ni Jonathan sa kabilang kwarto nang parang may sumabog sa lakas ng pagkakasara ng pintoan. Kunot noo itong naglakad pero nilampasan niya lang kami na walang kahit anong kibo. "Ano'ng problema no'n?" nagtatakang tanong sa akin ni Jonathan