SKY POV Isang oras na mesa bago kami nagsimula sa seremonya ng kasal. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Kristina kahit na kanina pa ito umiiyak. Halatang masaya ito kahit pa tumutulo ang kaniyang mga luha at wala siyang pakialam kahit masira pa ang kaniyang make up sa mukha. Matapos ang mesa ay nagsimul na ang pari para sa kasal namin. "Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay isang sagisag na pag-ibig ni Kristo. Sa ipinagdurugtong na buhay ni Sky at Kristina ay mangingibabaw ang ipinahayag na pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espirito Santo," panimula ng pari at lahat ng nandito sa loob ng simbahan ay tahimik na nakikinig. "Bago ako magsisimula ngayon ay kung sino man ang tumututol ay magsalita na," seryoso nitong wika. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko