Chapter 64

1305 Words

Nagtagal ako sa loob ng banyo at paglabas ko ay wala na akong naabutang Sky. Gaya ng una niyang ginawa niya ay umalis na lang siya ng hindi man lang nagawang magpaalam sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot at lumbay sa ginawa niya pero ano naman ang karapatan ko para magreklamo? Nang maramdaman kong mas maayos na ang pakiramdam ko ay naisipan ko nang pumasok sa aking trabaho. Alam kong magagalit na naman si Ma'am Sandy sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko pero hindi ko na kayang manatili sa loob ng silid na 'to. Ayaw kong nakatunganga lang ako habang nag-iisip ng kung ano-ano dahil mas lalo lang akong mamomroblema. Mula nang dumating sila rito sa resort ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Halos araw-araw at gabi-gabi na lang akong umiiyak sa tuwing naaalala ko siya at tanging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD