SKY POV Nang lumabas si Kristina sa kwarto ay hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginawa. Umiiyak ito nang umiyak sa loob ng kwarto namin at ang mga hagolhol niya ay dinig na dinig sa buong bahay. Wala na itong pakialam kahit pa marami man ang nakakarinig sa kaniya. Ilang saglit lang ay sumunod din ako kaagad papunta sa kwarto dahil nais ko siyang kausapin. Ngunit ayaw niya akong pagbuksan ng pinto kahit pa ilang beses ko na siyang tinatawag at kinakatok. Tanging iyak lang niya ang naririnig ko mula sa loob ng silid kaya pinakuha ko kay Nelia ang duplicate key na pinatago ko kay Manang Milda. Nag-aalala na ako sa kaniya at natatakot rin akong may gawin siya sa sarili niya. Kaya halos sigawan ko na si Nelia dahilan kung bakit mas lalo itong natataranta. "Sir Sky, ito na po." Mabilis na in