SKY POV Inayos ko ang relasyon at pagsasama namin ni Kristina hanggang sa naging kontento na ako kung ano ang meron sa relasyon namin. Naging kontento ako sa pagmamahal niya at pinilit kong kalimutan ang taong minahal ko ng ilang taon upang pareho na kaming maging malaya sa aming mga nakaraan. Napagtanto ko na hindi ako pwedeng magpaiwan sa mga nakaraan na alam kong mahirap ng ipilit. Bakit ko pa siya inaalala gayong may tao namang handa akong mahalin at nasisiguro kong hindi ako iiwan. Ang taong sigurado akong gagawin ang lajat para sa akin at hinding-hindi ako tatalikuran. Sinikap kong makabawi sa kaniya at ginawa ko ang lahat para mapasaya siya. Gusto kong masuklian ang kabutihan niya at tinigilan ko na ang sarili na iparamdam sa kaniya na hindi siya mahalaga. Ngayon ay ginagawa k