TINY POV "T-tiny?" mahinang banggit ni Marie sa pangalan ko. Halos hindi na ito makagalaw nang makita niya akong nasa harap niya na may kargang bata. Halatang nagulat siya at parang hindi ito makapaniwala na nandito ako sa harap niya. "Marie, pasensiya kana kung hindi ako nakapagpa-appointment sa 'yo natataranta na kasi ako. Pwede mo ba'ng pakitingnan ang anak ko?" nag-aalala kong tanong kahit alam ko namang susuriin niya ang anak ko kahit 'di ko hilingin. "A-anak mo?" nauutal nitong tanong at palipat-lipat ang mga tingin niya sa amin ni Jonathan. Wala pa kasi itong alam tungkol sa anak ko, at kahit hindi niya pa sabihin ay alam kong may naiisip na siyang tao kung sino ang ama ng anak ko. Matagal na rin kaming hindi nagkita kaya normal lang na makaramdam siya ng labis na gulat sa aking