TINY POV "I'm sorry, Tiny," nalulungkot na sabi ni Marie sa akin pagkatapos lumabas ang resulta sa pagsusuri kung maari ba akong maging donor para sa anak ko. Napaiyak na lang ako sa kaniyang sinabi kaya wala na akong ibang choice kundi ang tawagan si Sky at humingi ng tulong sa kaniya. Humingi rin ako ng tawad kay Kristina dahil pinagbintangan ko itong sinaktan niya ang anak ko ng pisikal. Nagmamadali silang sumugod sa hospital at labis na nag-aalala sa bata. Habang nakahiga ang anak ko sa hospital bed na nanghihina ay labis na umiiyak si Kristina. Ako lang din ang mag-isa dahil pinapasok ko na sa trabaho si Jonathan. Masyado na akong nakakaabala sa trabaho niya at nahihiya na ako sa pandidisturbo ko sa kaniya. "Tiny, magpahinga ka muna at ako na muna ang magbabantay kay Skyte." Alok