TINY POV Matapos magsuka ni Skyte kanina ay ibinilin ko muna ito kay Jonathan. Kinausap ako ngayon ni Marie para sa kalagayan ng anak ko. "Tiny, ano ba ang plano mo? Pinag-isipan mo na ba ang mga sinabi ko sa inyo ni Sky?" tanong niya ulit sa akin at hindi ko na yata matandaan kong ilang beses na ako nitong tinanong. Umiling ako at napahilamos sa aking mukha. Pakiramdam ko ay napaka-haggard na ng hitsura ko dahil sa stress at wala na rin akong pahinga. "Magpasya ka na dahil hindi ka naman kaagad manganganak ngayon, Tiny. Alalahanin mong siyam na buwan mo pa itong dadalhin bago mo iluwal. Kaya habang may panahon pa tayo para iligtas ang bata ay kumilos ka na," patuloy nitong sabi sa akin pero hindi ako makasagot dahil ang totoo ay nawawalan na rin ako ng pag-asa, hindi ko na rin alam kung