TINY POV Nilampasan niya lang ako at dumiretso nang lakad. Kaya tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinarap ko siya. "Umalis ka na!" May diin niyang sabi sa akin pero hindi ako nakinig. Ayaw kong umalis dito ng wala akong napapala pero sa tingin ko ay hindi ko na mababago ang pasya niya. Pero bago ako umalis ay gusto ko itong bilinan ng mga salitang tatagos sa kaniyang puso para kahit papaano ay matauhan naman siya. "Alam mo ba'ng matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to! Nakakaawa ka... sobrang nakakaawa ka at napakasakim mo ring magmahal Kristina at hindi ko alam o makita kung ano ang nagustuhan sa 'yo ni Sky! Hindi niya ba alam na gan'yan ka pa lang magmahal, sinasakal mo siya leeg. Napaka makasarili mo at palagi mo na lang inuuna ang sarili mo. Naaawa ako kay Sky dahil sa 'yo pero al