TINY POV Sobrang saya ko nang makauwi na kami ng anak ko sa bahay, halos magdadalawang buwan na kami sa hospital at sa wakas ay makakalanghap na kami ng anak ko ng preskong hangin. Puro amoy ng gamot lang kasi ang nalalanghap ko sa hospital kaya palagi ring sumasama ang sikmura ko. Naging maayos na ang pakiramdam ng anak ko pero sabi ng doktora ay delikado pa rin ang sitwasyon niya. Sa ngayon ay mas nagiging maayos na ang pakiramdam niya dahil sa mga niresitang mga gamot ng doktora pero pansamantala lang ang mga iyon. Pagdating pa lang namin sa bahay ay kitang-kita ko ang tuwa sa mga magulang ni Jonathan. Nakipaglaro pa sila sa bata ng ilang saglit at pagkatapos ay tinawag nito ang kasambahay para pabantayan muna ang anak ko dahil kakausapin muna nila ako. "Hija, napagkasunduan kasi na