TINY POV Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo na ito sa mahabang sofa habang tinitingnan ang mga picture album namin ni Skyte. Napansin ko ang mga ngiti sa kaniyang mga mata. Halatang naaaliw siya sa kakatingin dahil hindi man lang niya ako napansin na malapit na ako sa kaniya. "Ang cute ng anak natin no'ng kakapanganak ko pa lang sa kaniya. Akala ko nga magiging kamukha mo siya pero kalaunan ay hindi mo na siya kasing carbon copy," bigla kong ani kaya napatingin ito sa aking gawi. Ginantihan niya ako nang ngiti at bumuntong hininga bago niya ako tinanong sa kaniyang sadya. "Kumusta na siya?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Mabuti na ang pakiramdam niya sa ngayon... pero pandalian lang 'to," mahina kong sagot sa huli kong tugon. Matunog na hininga ang kaniyang pinakawalan at tumayo i