SKY POV Bago kami nakauwi sa bahay ay pinuno ako ng mga katanungan ng mga manugang ko. Dinaig pa nila ang mga reporter sa dami ng mga katanungan nila. Kung hindi pa nagreklamo si Kristina na gusto niya nang umuwi ay nasisiguro kong hindi nila ako titigilan. Para na akong kakainin ng buhay ng Daddy niya dahil sa inis nito at galit sa akin na hindi maipaliwanag. Nararamdaman kong nadismaya ang mga ito sa akin pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako sa sitwasyon na 'to. Wala na akong magawa para baguhin ang sitwasyon. Nagalit man ang mga ito sa akin pero ayos lang dahil ang importante sa 'kin ay hindi nila dinamay si Mariela at ang fiance nito dahil sa galit sa akin. Tahimik lang si Kristina kanina sa kotse at wala akong narinig na kahit na ano mula sa kaniya. Hanggang dito sa kwa