SKY POV Mabilis na kinuha ni Tiny ang bata sa kama at napansin kong kinakabahan ito. Halos wala nang pag-iingat ang ginawa niyang pagkarga sa bata at may bigla na pang sumagi sa isipan ko. Napatingin ako sa mukha ng bata at saka ko lang napagtanto na pareho kami ng mata at mga labi. Nakuha man nito halos ang itsura ng ina pero nararamdaman ko ang lukso ng dugo bilang isang ama. Gusto ko sana itong tanungin pero bago ko pa magawa ay mabilis na itong lumabas sa kwarto ng walang paalam. Hinila siya ni Jonathan palabas at kinuha ang bata mula sa kaniya. Nagtaka naman si Mariela sa mga nangyayari at nakita kong nasasaktan ang aking asawa sa pagkikita namin ni Tiny. Tinitigan ko ito siya sa kaniyang mga mata at humihingi ng paumanhin. Wala man akong nakuhang sagot mula sa kaniya pero sinuno