TINY POV Isang oras na mula ng hiniram ng Ate ni Meriela ang anak ko. Kinakabahan na rin ako dahil baka umiiyak na ang bata. Gusto ko na sana itong kunin ngunit nahihiya akong sabihin. Ayaw na ayaw pa naman ng batang 'yon kapag hindi niya ako nakikita. Pero higit isang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin akong narinig na ano mang reklamo. Gumaan lang ang pakiramdam ko ng sinabi ni Mariela na ibabalik 'yon ng Ate niya kung iiyak ito. Nasabi kasi sa akin na Mariela na tuwang-tuwa ang Ate niya kaya dinala ito sa dati nitong kwarto. Hindi na raw ito nakapagpaalam dahil nasasabik nang makipaglaro sa bata. Nang dumating kasi ang mga ito ay nagkataon na nasa banyo ako kaya hindi niya kami naipakilala sa isa't isa. Nabanggit rin nito sa akin ang tungkol sa kawalan nito ng pag-asang manganak