Wala akong ganang pumasok ngayon pero kesa maiwan ako sa bahay kasama ang mga magulang ko, mas pinili ko na lang na bumangon at pumasok para mawala sila sa isip ko. Hindi na talaga ako makapaghintay na makaalis sa bahay na ‘to para tumahimik na ang buhay ko, lalo na ang isip ko.
Dumiretso ako sa kusina ng makababa ako at laking gulat ko ng makita do’n ang mga magulang ko. Isang malaking himala na nandito pa sila at sabay na kumakain pagkatapos ng naging away nila kahapon.
“Have breakfast with us anak,” sabi ni mommy sa akin at ngumiti.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi magtaas ng kilay, “Kailangan ko na pong umalis,” sabi ko sa kanila at tumalikod.
“Anong oras ka uuwi? Magpapahanda ako ng paborito mo para sa dinner,” tanong ni mommy sa akin kaya natigilan ako.
Hinarap ko s’ya at ngumiti ng pilit, “Late na po ako makakauwi and please stop the drama, you don’t need to act that’s everything is okay even if it’s not” sabi ko sa kanila ni daddy at tuluyan ng umalis.
Sasakay na sana ko sa kotse ng mapansin kong flat ang gulong ng kotse ko, gusto ko ng umalis kaya napayukom na lang ako ng kamao ko at nasipa ng wala sa oras ang gulong ng kotse ko. Lumabas na lang ako ng gate namin at maglalakad na lang ako papunta sa harap ng village dahil wala naman masyadong dumadaang taxi dito pero napahinto ako ng may bigla na lang bumusina ng malakas sa likod ko.
Tiningnan ko kung sino ‘yon at napairap ako ng malaman kung sino ang tao na ‘yon. “Get in,” sabi n’ya sa akin.
“No thanks,” sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
“Keila sumabay ka na sa’kin kesa maglakad ka pa,” sabi n’ya sa akin pero hindi ko s’ya pinansin hanggang sa may humila na lang sa akin.
“Ano ba Hero?” inis na tanong ko sa kanya.
“Look at the sky Keila, uulan na kaya sumabay ka na sa’kin. I won’t do anything against your will at kung ayaw mo akong kausapin hindi ako magsasalita, just get in the car” sabi n’ya sa akin at pinapasok ako sa kotse n’ya.
Wala naman na akong nagawa dahil kulang na lang buhatin na n’ya ako papasok sa loob ng kotse n’ya. Buong byahe namin walang kumikibo sa aking dalawa hanggang sa makarating kami sa destinasyon naming dalawa.
Nauna pa nga akong bumaba sa kanya at hindi ko na inabalang lingonin pa s’ya ng makababa ako. Dumiretso na agad ako sa building ng course namin dahil malapit ng magsimula ang klase namin.
“Hindi ka ata maaga ngayon Keila,” sabi ni Karl sa akin ng pumasok ako sa loob ng classroom.
Classmate ko s’ya dito sa subject na ‘to at hindi ata ako matatahimik ngayong maga dahil sa kanya.
“Huwag ngayon Karl,” inis na sabi ko sa kanya.
“Napag-isipan mo na ba ung sinasabi namin ni Hero?” tanong n’ya sa akin kaya napairap ako.
“Ayoko nga, wala naman akong mapapala sa gusto n’yo saka hindi ko kayo maintindihan. Ano bang mapapala n’yo kung magpapanggap kami ni Hero? Wala naman, malakas lang ang trip n’yong dalawa para idamay ako sa kalokohan n’yo,” sabi ko sa kanya.
“May dahilan kami, lalo na si Hero at hindi kalokohan ‘tong sinasabi namin sa’yo.” Sabi n’ya sa akin kaya hinarap ko s’ya.
“Kalokohan ung gusto n’yong mangyari, madaming babae na pwede n’yong gamitin kaya ‘wag ako,” sabi ko sa kanya.
“Sana ganun lang kadali ‘yon Keila pero damay ka kasi dito kaya wala ka rin choice lalo na kapag nalaman mo kung bakit,” sabi n’ya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“What the hell are you talking about?” tanong ko sa kanya.
Wala akong ginagawa para madamay ako sa problema nila.
“Ask Hero about it Keila, sa katunayan nga ako ang labas sa problema n’yong dalawa. I’m just helping here,” sabi n’ya sa akin at bigla na lang lumabas ng classroom.
Susundan ko na sana s’ya ng bigla dumating ang professor namin kaya bumalik na lang ako sa upuan ako at umayos ng upo.
Buong duration ng klase wala masyadong pumapasok sa isip ko dahil sa sinabi ni Karl sa akin kaya ng matapos ang klase ay mabilis akong lumabas ng classroom para hanapin si Hero at nang makita ko s’ya ay mabilis ko s’yang hinila para kausapin.
“Tell me the reason why I’m involve?” tanong ko sa kanya.
He looked at me and smile which annoys me, “Now I got your attention” sabi n’ya sa akin.
“Just tell me why,” sabi ko sa kanya.
“I hate being controlled by anyone, especially by my family and you want to be free from your own family. We can work things out by lying and pretending to everyone that we have a relationship,” sabi n’ya sa akin.
“I don’t get the point Hero, walang koneksyon ‘yang sagot mo sa tanong ko” sabi ko sa kanya dahil ‘yon naman ang totoo.
Lumapit s’ya sa akin kaya naman napaatras ako hanggang sa napasandal na lang ako sa pader, sobrang lapit namin sa isa’t-isa at amoy na amoy ko ang mabangong hininga n’ya.
“Your mom is having an affair with my dad,” bulong n’ya sa tenga ko na ikinalaki ng mata ko.
Mabilis ko s’yang itinulak dahil sa sinabi n’ya at masama s’yang tiningnan.
“Gago ka ba o talagang nasisiraan ka na ng ulo?” tanong ko sa kanya. “Imposible ‘yang sinasabi mo, my mom will never have an affair to anyone!” mariing sabi ko sa kanya.
“Are you sure about that Keila?” tanong n’ya sa akin at umatras.
“Yes, Hero and I know my mom” sabi ko sa kanya.
“If you really know your mom why not come with me and let see who is telling the truth,” sabi n’ya sa akin at basta na lang akong hinila paalis.
Magulo man ang isip ko dahil sa sinabi n’ya, sumama pa rin ako sa kanya at hinayaan s’ya na dalhin ako sa kung saan man. I not the type of person na basta na lang maniniwala ng wala naman ebidensya at kahit hindi kami okay ng parents ko, alam kong hindi naman sila aabot sa ganon, lalo na si Mommy.