Chapter 3

1102 Words
Natigilan ako sa paglabas ko ng may nakita akong nakaharang na babae sa labas ng pinto at hindi ito ang unang beses na nakita ko s’ya dito sa campus dahil madalas s’yang nandito lalo na sa opisina ni Prof. Cruz kaya alam ko rin na imposibleng may something sa pagitan ni Hero at ni sir diba. Hindi ko maiwasang titigan ang babae sa harap ko ngayon dahil ang ganda n’ya at para akong nakaharap sa isang dyosa sa sobrang ganda ng mukha n’ya sa totoo lang. “Did I disturb something?” tanong n’ya sa amin kaya napaayos ako ng tayo. “No and please come in,” sabi ni sir Cruz sa babae. “I’ll just wait outside kausap mo pa ata ang mga estudyante mo,” sabi nito at tumingin sa akin saka kay Hero. Masama ang tingin ni Hero sa kanya kaya kumunot ang noo ko at nag-iwas agad ako ng tingin ng biglang bumaling si Hero sa akin. Humarap ako kay sir at nagpaalam na sa kanya. “Alis na po ako,” sabi ko sa kanila at yumuko saka tuluyan ng lumabas para iwan sila do’n pero natigilan ako sa paglalakad ko ng may bigla na lang humila sa akin. “Wait for me,” sabi ni Hero sa akin kaya natigilan ako. “Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya at hinalis ang kamay n’yang nakahawak sa akin. “Let’s go together,” sabi n’ya sa akin at muli akong hinawakan saka kami lumabas ng building. Binitawan n’ya lang ako ng makarating na kami sa parking lot kaya tiningnan ko s’ya ng masama. “Ano bang trip mo?” tanong ko sa kanya. “Think about the suggestion of Karl, we really need your help” sabi n’ya sa akin at tinalikuran ako. “My answer is still no Hero and please don’t act as if close tayong dalawa dahil hindi naman saka h’wag n’yo akong idamay ni Karl sa kalokohan n’yo. Last time I check we both hate each other kaya sana kung ano man ‘yang kabaliwan n’yong dalawa tigilan n’yo na lang,” sabi ko sa kanya at sumakay na sa kotse ko. Iniwan ko na s’ya do’n at hindi ko na inabala ang sarili ko para tingnan pa s’ya dahil wala naman na akong pakielam sa kanya pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla na lang ako napalingon sa side mirror ng kotse ko at kumunot ang noo ko ng makitang magkausap sila ng babaeng nasa office ni sir kanina at mukhang hindi sila magkasundong dalawa. Natauhan lang ako ng kumatok sa bintana ko si manong guard kaya naman tinapakan ko na ulit ang gas at umalis na. Ano bang pakielam ko sa kanilang dalawa? Umuwi na lang ako sa bahay at pagdating ko nagulat pa ako dahil nakita kong nakaparada ang kotse ni mommy pati na rin ni daddy sa garahe namin. Ang aga pa pero nandito na sila, isang malaking himala ‘to kaya naman ipinarada ko na rin ang kotse ko at pagkatapos ay bumaba na ako para pumasok sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko sa loob sumalubong agad sa akin ang ingay na nagmumula sa taas, to be specific sa kwarto ni mommy at daddy. Ilang vase na naman kaya ang nabasag at anong gamit na naman kaya namin ang nasira? Kung hindi siguro kami mayaman baka lahat ng gamit dito sa bahay namin ay ubos na at wala ng maipalit dahil sa dami ng nababasag sa tuwing nag-aaway silang dalawa. Ito pa isa sa rason ko kaya gusto kong umalis ng bahay na ‘to, bukod sa wala naman silang pakiealm sa akin palagi pa silang nag-aaway na dalawa, para bang sila lang ang nakatira dito sa bahay na ‘to at hindi na sila marunong mahiya. Ang sama ko sigurong anak dahil sa mga iniisip ko at nasasabi ko tungkol sa mga magulang ko pero nagpapakatotoo na lang naman ako. “Ma’am Keila,” tawag sa akin ng isa naming kasambahay. “Go back to work ate, masanay na kayo sa kanila” sabi ko sa kanila at umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ko para ibaba ang gamit ko at sinilip ang mga magulang kong hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos mag-away. “Hanggang kelan na lang bang ganito?” tanong ni mommy kay dad. “Pwede ba pagod ako kaya h’wag mo akong inisin,” sagot naman ni daddy kay mommy. “Mainam pang umalis ka na lang ulit!” inis na sabi ni mommy kay dad. “Bahay ko ‘to at wala kang karapatan na paalisin ako dito!” galit naman na sabi ni daddy. “Tapos na po ba kayong mag-away? Nakakahiya naman sa mga tao dito sa bahay, minsan na nga lang kayo uuwi ganyan pa ang aabutan ko,” sabi ko sa kanila at binuksan ang pinto ng kwarto nila. Natigilan naman silang dalawa dahil sa sinabi ko. Kung hindi pa kasi ako papasok at makikielam baka abutin pa ng ilang oras bago sila matapos na dalawa saka baka rin wala ng matira sa gamit nila dito sa kwarto. Sobrang gulo ng kwarto nila ngayon at parang dinaanan ng bago dahil nagkalat ang mga basag sa vase pati na rin salamin sa sahig kaya napailing na lang ako saka muling tumingin sa mga magulang ko. “H’wag kang makielam dito Keila,” mariing sabi ni dad sa akin, wala naman talaga akong balak makielam sa away nilang dalawa. “Okay dad wala naman problema pero sana hinaan n’yo ang mga boses n’yo kasi ang lapit n’yo lang po sa isa’t-isa at hindi n’yo kailangan magsigawan,” sabi ko at tinalikuran na silang dalawa. “Anak,” tawag sa akin ni mommy kaya nilingon ko s’ya. “Bakit mommy? May ipag-uutos ka po ba?” tanong ko sa kanya. “Sorry,” sabi n’ya sa akin. “You don’t have too, sanay na po ako” sabi ko sa kanila at tinalikuran na sila ng tuluyan. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nagkulong na lang sa dito sa loob. Hindi ko na inabala ang sarili ko na lumabas kahit na tinawag ako nila manang para kumain ng hapunan, wala ako sa mood bumaba at sumabay sa kanila. Kahit naman kasi sumabay akong kumain sa kanila wala pa rin magbabago sa sitwasyon naming lahat. Napatingin ako sa litrato sa gilid ko at hindi ko maiwasan umiyak dahil do’n. “Bakit kasi ikaw pa ung nawala?” tanong ko sa kanya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD