Napahiga na lamang sa pagod si Li Muen nang makabalik sila ni Zhuen sa inn na kanilang tinutuluyan. Pagkatapos ng ensayo ni Li Muen ng umaga ay kaagad siyang pumunta sa kaniyang shop at sa oras naman na iyon ay may kumausap kay Zhuen na maaari nilang bilhin na courtyard kung saan sila pwede manirahan. Nagpunta sina Li Muen at Zhuen sa lugar na iyon. Malaki iyon at kasya ang sampu katao. Hindi lang iyon, ang lugar din na iyon ay binebenta sa mababang halaga. Ang sabi ng may-ari ay kailangan daw nilang umalis doon sa madaling panahon sapagkat kailangan na nilang bumalik sa kanilang sinilangan. Hindi kaagad nagsalita si Li Muen at pumayag dahil kailangan muna niya itong imbestigahan. Hindi niya alam kung sino ang maari niyang lapitan dito kaya naman ito ang problema niya. "Miss? Hindi k