Matapos ang pangyayaring iyon ay nagpanggap na lamang si Li Merna na parang walang nangyari. Ganoon pa man, nahalata ito ni Lin Xiao at pakiramdam niya ay naninikip ang kaniyang dibdib sa bawat ngiti na binibihay ni Li Merna. Alam ni Lin Xiao na may mali ngunit hindi niya alam kung ano ito. Gusto niya na magtanong ngunit hindi niya alam kung ano ang itatanong, hindi niya alam kung ano ang dapat at 'di dapat itanong. Gustohin din naman niyang magtanong kay Li Muen at Qin Fan ngunit alam niya na walang sasabihin ang dalawang ito lalo na kung sinabihan sila ni Li Merna. Maging sila Zhang Mik at Chu Li ay napansin din ang pagkakaiba ng Li Merna ngayon. "May ginawa ka bang mali kay Merna?" tanong ni Chu Li kay Lin Xiao. Kaagad naman na umiling si Lin Xiao dahil hindi talaga niya matandaa