Naging usap usapan ang pag-uusap ni Li Muen at Lin Que sa buong institusyon. Napatampal na lamang si Li Muen ng kaniyang noo. Sa bandang huli ay napabuntong hininga na lamang si Li Muen dahil natanggap na niya ng tuluyan na hindi talaga siya lulubayan ng mga mata na nakatitig sa kaniya. "Pupunta ka sa Imperial Palace?" takang tanong ni Lin Xiao na kasalukuyang hawak ang kamay ni Li Merna. Napangisi naman si Li Muen nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Li Merna. 'Hump! Sa bandang huli kaniya ka pa rin pala babagsak dami mo pang hinihimutok.' Tumango si Li Muen bago sumagot, tumigil na rin siya sa pang-aasar kay Li Merna dahil kitang kita niya ang pamumula nito. "Nagka-usap kami ni Lin Que at may kailangan kaming ipaalam," kaagad na sambit ni Li Muen at sumimsim ng tsaa. "An