“Kahit ang emosyon din ng tiyuhin ninyo ay hindi kayang maabot ng mag-ina,” sambit ni Lin Jing. Napatitig naman ang lima at iisa lamang ang sumagi sa isipan nila. Hindi man nila gustong mangyari iyon ngunit alam nila may posibilidad na mangyari talaga iyon. “Dapat ba nating sabihin ito kina Ina?” tanong ni Li Baejin. Umiling naman si Li Muen, “Brother Baejin, kung sasabihin natin ito kina Ina at Ama siguradong makakarating ito kay Uncle Can. Alam natin kung ano ang kayang gawin ni Uncle Can kapag narinig niya ang tungkol dito ng walang pruweba, hindi ba?” Tumango naman si Li Junli, “Tama. Hindi lang iyon, naparusahan din ang kaniyang mag-ina kaya hindi rin naman tayo pwedeng magsalita tungkol dito. Baka isipin ni Uncle Can na nagsasama sama tayo para lang maibagsak ang kaniyang pam