CHAPTER 77: PUNISHMENT [2]

2464 Words

Tahimik ang lahat at nakatingin lamang kina Li Changli at Bai Zu. Napayukom ng kamao si Li Changli at nag-iisip ng paraan kung paano niya ito matatakasan. ‘Li Muen! Kahit kelan talaga pahirap ka sa buhay ko. Kahit kelan talaga sagabal ka!’ inis na sambit ni Li Changli sa kaniyang isipan ngunit hindi niya magawang sabihin gamit ang akaniyang bibig. “Li Changli, sa lahat ng ginawa mo kay Mu’er lahat iyon pinalampas ko. Alam ko lahat ng ginawa mo kahit hindi mo sabihin sa kanila,” sambit ni Lin Jing at napatingin naman kay Lin Jing ang lahat. “Akala mo ba pinalampas kita dahil hindi ko alam? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang muntikan nang pumatay kay Mu’er. Hindi kita pinarusahan dahil kadugo ka niya. Ngayon gusto mong ibato sa kaniya ang lahat ng ginawa mo?” dagdag pang sabi ni Lin Jing.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD