Nagsisigawan ang mga estudyante dahil sa tapang na pinakita ng babaeng humamon kay Li Muen. Samantala, ang iba naman ay nag-aalala para sa kakahinatnan ni Li Muen dahil hindi nila ramdam ang qi na mayroon ito. Kaagad naman na tumalon patungo sa bilog na entablado ang babaeng humamon kay Li Muen samantala si Li Muen naman ay dahan dahan na nagpunta sa entablado. Ang kanila pa lamang na pag-akyat sa entablado ay kaagad na naikumpara. Ang isa ay arogante at ang isa naman ay puno ng kaaya aya ang kaniyang bawat galaw. Nakita ng babae kung paano umakyat si Li Muen sa entablado at kaagad naman itong kinainit ng ulo. Ang babaeng ito ay si Xu Marqi at parte siya ng Xu family na sikat sa pagigiging mga alchemist. "Ang naghamon, Xu Marqi! Ang hinamon, Li Muen!" 'Hindi ko alam kung anong punt