Nang inumin ni Xu Marqi ang pills na hawak niya ay kaagd naman na naramdaman ng lahat ang kakaibang hangin sa paligid. "Outburst?" takang tanong ni Guang Li at napatayo ito. Ang outburst ay para lamang sa mga taong nag-a-advance at sa nakikita at nararamdaman nila ang outburst na ito ay may pagkakapareha sa pag-advance ngunit may pagkakaiba rin. Kahit na ang mga guro ay naalarma dahil sa kanilang naramdaman. "Saan siya nakakuha ng ganitong pills?" tanong ng isang guro. "Hindi ba't matagal na itong pinagbabawal dahil masyadong marami ang masamang epekto ng pills na ito?" sambit naman ng isa pang guro. "Marapat na itigil ang--" "Huwag," sambit ng isang guro na nasa pinaka itaas kaya naman lahat sila ay napatingin dito. "Hindi ba ninyo nakikita nag kakalmahan ng awra ng kalaban ni