“Miss! Saan ka galing?” kaagad na tanong ni Zhuen nang bigla na lamang lumitaw si Li Muen sa kanilang harapan. Ngumiti lamang si Li Muen sa kanila at hindi kaagad nagsalita. Huminto siya saglit sa harap ni Xu Lei Mie at saka lumingon kay Zhuen, “Nandito lang ako kanina pa. May technique lang akong sinusubukan,” sambit nito at saka ibinalik kay Xu Lei Mei ang kaniyang tingin. “Nahanap ko na si Xu Su Cheng, kung gusto mo pwede ko siyang ibigay sa iyo.” Nanlaki ang mga mata ni Xu Lei Mei at nanginig ang kaniyang labi at mga kamay dahil sa kaniyang nararamdaman. Makikita sa kaniyang mukha ang gulat ngunit mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman nito. ‘Xu Family, anong ginawa ninyo at ginalit ninyo ang isang taong kaya kayong tulungan?’ sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan at saka tina