Dalawampung araw na ang kakalipas simula noong mapagdesisyunan na ni Li Can na tuluyan nang makipaghiwalay kay Bai Zu. Naging usap-usapan ito sa buong Xidi Kingdom ngunit baliwala lamang ito sa Li Family. Gayon pa man, ang lahat ng sisi ay napunta kay Bai Zu kung saan pinapaniwalaan ng lahat na nakipagtanan ito sa isang lalaki. Ang mga Feng naman ay walang sinabi sapagkat ayaw nilang madamay sa away ng dalawang malakas na pamilya. Alam ng mga Feng ang tungkol kay Feng Meng at Bai Zu ngunit hindi nila ito pinagkalat. Isa pa, ang alam ng lahat ay isa lamang tagapag-aliw si Feng Meng at walang nakakaalam na isa ito sa Feng Family na matagal ng kaibigan ng mga Bai. Galit na inihagis ng Feng family head ang kaniyang hawak na libro. “Hindi na talaga natuto ang Feng Meng na iyan! Hindi na nga