CHAPTER 122: LONGING TO HIS VOICE

2254 Words

Tatlong araw na ang nakalilipas simula noong mangyari ang pagwawala ng isang qi user sa slum. Sinimulan na rin ng Li family ang pagtulong sa mga tao roon kasama ang Xidi Crown Prince and Princess. Dahil sa tulong ng mga Li at ng Royalties ay mas napadali ang trabaho ng mga tao sa slum. Gayon pa man ay nagtataka ang mga ito sa biglaang pag-alis nina Zhou Yue ng wala man lamang paalam. Hindi lang iyon, pati sina Yaoyao ay nawala rin bigla. Malungkot man sila Chen Tao at Gao Hou sa biglaang pag-alis nila ay nagpatuloy pa rin sila sa kanilang mga gawain at alam din naman nila na isang araw ay babalik din sina Li Muen at magpapakilala sa kanila ng pormal. Samantala ang Song family naman ay kasalukuyang nakakulong sa kulungan sa palasyo dahil sa pagkadiskubre ni Xidi Cheng ng kanilang ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD