CHAPTER 121: HOME

2311 Words

Wala pa mang dalawang oras ay nakaalis na kaagad sina Li Muen sa bahay ni Zhou Yue at kahit isa ay walang naiwan na gamit. Hindi rin alam nina Zhuen at Yaoyao ang kanilang gagawin dahil sa wala sa sarili si Li Muen. “Phantom, ano ba kasing laman ng sulat na binigay mo kay Miss Muen?” inis na sambit ni Yaoyao at sinisiko pa si Phantom sa tagiliran. Napakamot naman ng batok si Phantom. “Hindi ko rin alam kung ano ang laman ng sulat. Hindi naman ako tanga para basahin ang sulat ng Master ko para sa mapapangasawa niya,” sambit naman ni Phantom. Bumuntong hininga na lamang si Zhuen at Yaoyao. Pabalik-balik naman ang tingin ni Zhou Yue kay Li Muen at sa taga-silbi nitong sina Zhuen, Yaoyao, at Phantom. Alam niya na may mali ngunit hindi niya alam kung tama ba na makisali siya rito. “Um…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD