Nang mawalan ng malay si Li Muen ay kaagad na nataranta si Phantom at hindi nito alam ang kaniyang gagawin. Nag-aalala siya dahil baka magalit si Lin Jing kung hahawakan niya ito, ngunti mas nag-aalala naman ito kung iiwan niya si Li Muen dahil hindi lamang si Lin Jing ang magagalit sa kaniya kundi pati na rin ang dalawang kapatid nito. “Master! Huwag ka sana magalit,” bulong ni Phantom sa kaniyang sarili. Kaagad naman na kinarga ni Phantom si Li Muen na para itong prinsesa. Inayos niya ito saka siya nagmamadaling tumakbo papunta sa dereksyon ng bahay ni Zhou Yue. Kapag naman may nararamdaman siyang mga demon beast, kahit na mahihina ito ay pinilit niyang iwasan. Hindi siya pwedeng makipaglaban sa mga ito habang hawak hawak niya si Li Muen. Masyado pang mahal ni Phantom ang kaniyang b