Narinig nila ang malakas na pagtawa ni Xing Lou, “Anong akala ninyo kaya ng hangin na patayin ang isang malakas na apoy? Nagpapatawa kayo!” sambit nito na wari mo ay isang baliw na handang dumakma ng kaaway. “Miss…” mahinang tawag ni Phantom. Malakas si Phantom, oo, pero dahil sa apoy ni Xing Lou ay walang kakayahan si Phantom. Hindi kayang gumamit ni Phantom ng mga kahit na anong elemento ngunit malakas siya sa pisikalan kaya naman pinagkakatiwalaan din siya ni Lin Jing. “Oo, tama ka. Hindi nga kayang apulahin ng hangin ang isang malakas na apoy at mas papakainin pa nga nito ang apoy na mayroon ka—” Tumawa naman si Xing Lou, “Kaya naman tumahimik na lamang kayong dalawa at hayaan ako! Papakawalan ko kayo kung hindi ninyo ako papakialaman dito!” “Sino ka para magsalita nang ganiya