CHAPTER 118: TIER NINE WENT BERSERK [1]

2314 Words

Habang tumatakbo ay naglalagay na lamang ng artificial mask si Li Muen. Takbo lamang nang takbo si Li Muen. Sunod sunod ang pagsabog na kaniyang naririnig at naririnig din niya ang samu’t saring sigawan ang umaalingawngaw sa paligid. Kahit malayo pa siya sa mismong slum ay dinig na niya ang sigawan at pagsabog. ‘Sht! Sino ba ‘yon? Anong meron at nagwawala ang taong iyon?’ sambit niya sa kaniyang isipan. “Miss…” Halos mapatalon naman si Li Muen sa kaniyang kanan nang bigla na lamang lumitaw at tumatakbo sa tabi niya si Phantom. “Phantom, kapag hindi mo tinigil iyang biglang pagsulpot mo makakatikim ka na sa akin,” sambit ni Li Muen at tumingin ng masama sa lalaking pumuprotekta sa kaniya. “Ipagpagpa-umanhin, Miss Muen,” sambit nito saka ito tumingin sa papalapit na malaking sunog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD