Walang intensyon si Li Muen na itago ang totoo niyang pagkatao kay Zhou Yue dahil siya naman ang talagang dahilan kung bakit siya na slum. Para kay Li Muen mas maganda pang manatili sa lugar na kagaya ng slum kaysa sa makisama siya sa mga noble na walang ibang ginawa kundi ang makipagpaliksahan sa yaman, kagandahan, at kung anu-ano pang pwede nilang maipagmalaki. Hinawakan ni Li Muen ang kaniyang mukha at kaagad naman ikinagulat ni Zhou Yue nang makita niyang may tinatanggal na balat si Li Muen sa kaniyang mukha. Hindi alam ni Zhou Yue kung dapat na ba siyang tumakbo at magsisigaw o manatili na lamang sa kaniyang kina-uupuan at mahimatay. “Kalma, Aunt Yue. Isa lamang itong maskara,” sambit ni Li Muen nang makita niya na hindi na mapakali si Zhou Yue. Nang maialis n ani Li Muen ang k