Dalawang araw matapos umalis nina Li Muen sa Li mansion ay siya namang balik nina Li Junli at Li Baejin kasama si Lin Jing. Nang malaman nila na umalis ito ay hindi nila alam ang kanilang gagawin. Hindi nga lang nila inaasahan na mababalitaan nila na wala roon si Li Muen at hindi nila alam kung saan ito nagpunta. "Ina, hindi ba talaga niya sinabi?" pag uulit na tanong ni Li Baejin at saka ito pasimpleng tumingin kay Lin Jing. Nang mapansin ito ng lahat ay napatingin din sila kay Lin Jing at halos manayo ang kanilang buhok sa buong katawan nang makita nila ang walang ekspresyon ni Lin Jing. Hindi nila alam kung ano ang iniisip ni Lin Jing ngunit ramdam nila ang pag aalala nito. Si Qin Quin Xi ang unang nakatanggap at nakaalis sa pagkabigla kaya naman ngumiti ito at saka nagsal