CHAPTER 89: MESSING WITH THE BAI'S SHIP

2444 Words

Tatlong araw na simula noong umalis si Lin Jing at walang balita si Li Muen. Nalaman din niya na bumalik na si Li Junli at Li Baejin sa Imperial Capital dahil sa malapit na ang pasukan sa Royal Institute kung saan nag-aaral ang kaniyang dalawang kapatid. Sa tatlong araw na hindi niya nakausap at nakita si Lin Jing ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-cultivate at kahit na malayo pa siya sa tier eight ay ginagawa niya ang lahat upang makasabay sa lahat. Alam ni Li Muen na hindi maganda ang mangyayari sa kanya kung mamadaliin niya ang kaniyang pag-cultivate ngunti wala rin naman siyang magagawa. “Miss?” tawag ni Zhuen saka nito binuksan ang pinto ng kwarto ni Li Muen. Iminulat ni Li Muen ang kaniyang mga mata nang matapos niya na ilabas ang itim na usok na galing sa kaniyang katawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD