Dalawang araw na natulog si Lin Jing at tatlong araw naman si Li Muen. Ngayon na nagising na silang dalawa ay wari mo ay hindi na silang dalawa mapaghiwalay pa. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ni Li Muen na wala sa magandang kalagayan si Lin Jing. Ang alam lang ni Li Muen ay galit si Lin Jing at kung bakit, iyon ay hindi pa niya naitatanong. “Jingjing?” tawag ni Li Muen at itiningala niya sa kaniyang kanan si Lin Jing dahil nakaupo siya sa harapan nito. Nakita ni Li Muen ang kakaibang ekspresyon ni Lin Jing na handa itong pumatay ng kahit na sino. Napabuntong hininga na lamang si Li Muen, “Honey,” tawag ni Li Muen na may paglalambing at inilapat niya ang kaniyang kanang palad sa kaliwanag pisngi ni Lin Jing. Dahil doon ay nabaling naman kay Li Muen ang atensyon ni Lin Jing. Ikinag