Ilang araw rin ang nakalipas at nabalitan na lamang nina Li Muen na pabalik balik ang Imperial Physician sa mansyon ng mga Bai. Kahit na gaano pa man kagusto ng mga Royalties na mawala ang Bai sa landas nila ay hindi pa rin nila ito maaring baliwalain. Sinadya man o hindi ang nangyayari sa mga Bai ang tanging kailangan lamang gawin ng mga Royalties ay ang maghanap ng lunas sa nangyayari sa mga Bai. Hinanap na rin nila ang napapabalitang divine doctor ngunit hindi nila ito mahagilap at kung mahahanap man nila ang dulo ng buntot nito ay bigla na lamang itong nawawala at ilang araw na lamang ang nakalipas bago ito mahanap. “Hindi ko alam kung sinasadya ba ng divine doctor na iyan ang nangyayari o hindi,” sambit ng Emperor at napabuntong hininga na lamang. “Father Emperor, hindi naman na