Makalipas ang isang taon ay humupa rin ang usapan tungkol sa mga Bai. Marami ang nasisiyahan sa pagkawala nila dahil sa kanilang hindi magandang ugali sa publiko lalong lalo na ang kalaban nila. Samantala, ang mga nasa baba naman ng mga Bai ay kasalukuyan na naglalaban laban upang pumalit sa pwesto ng mga Bai. Para sa kanila isa itong magandang oportunidad upang mapataas ang kanilang antas sa lipunan. Sa mga nasa babang pamilya ng mga Bai ang pinaka nakikipaglaban ay ang mga Lim. Kanila ngayong pinipilit si Lim Lily na bumalik sa kanilang pamilya upang mas lumakas ang kanilang kapit. Alam nila na sa tulong lamang ni Lim Lily sila magkakaroon ng laban dahil bukod sa kaibigan niya si Lin Xiao ay malapit din ito sa mga malalakas na estudyante sa Royal Institute. Hindi lamang iy