Habang naglalakas sina Xidi Cheng at Liu Shi papunta sa baba na bahagi ng ship upang puntahan ang opisina ni Bai Luki ay napag-uusapan pa rin nila si Li Muen. “Hindi talaga maganda na makalaban natin siya,” sambit ni Liu Shi. Kaagad naman na tumangi si Xidi Cheng bilang pagsang-ayon, “Bukod sa siya ang mapapangasawa ng ika-siyam na Prinsipe ng imperyo ay isa rin siyang malakas na qi user,” sambit nito saka hinawakan ang kamay ni Liu Shi at hinimas himas ito. “Hindi lang siya sa sarili niya malakas, pati na rin ang nakapaligid sa kaniya.” Tumingin si Liu Shi kay Xidu Cheng saka ito nagsalitang muli. “Tingnan mo ang mga kasama niya ngayon. Isang alchemist, isang normal na babae ngunit may kakayahan makipaglaban gamit ang espada, at isang tagasilbi na marunong magsalita ng ingles. Alam