“Mahal na Prinsipe! Mahal na Prinsesa! Lumikas na po kayo!” bulalas ng kawal na nasa harapan nina Li Muen. Napangisi na lamang si Li Muen dahil sa inasal ng kawal. Kung tatakas sina Xidi Cheng at Liu Shi upang iligtas ang kanilang sarili ay hindi na magdadalawang isip pa si Li Muen na hindi na makikipag-usap sa kanilang dalawa. “Kung tatakas kayo, sino ang magliligtas sa mga taong gusto maligtas?” walang emosyong sambit ni Li Muen. Sinamaan naman ng kawal ng tingin si Li Muen, “Ang buhay nila ay hindi mahalaga kumpara sa buhay nina Prinsipe Cheng at Prinsesa Shi!” Mapakla namang napatawa si Li Muen sa sinabi ng kawal, “E kung kitilin ko ang buhay mo ngayon din sa harap ng Prinsesa at Prinsipe?” kinakitaan man ng takot ni Li Muen ang mata ng kawal ngunit hindi ito gumuhit sa mukha n