“Kanina tungkol sa maruming babae ngayon na naman may iba na naman kayong hinahanap.” Ipinag-krus ni Li Muen ang kaniyang kamay at saka itinaas ang kaniyang kanang kilay. “Yung totoo? Ginagawa ba talaga ninyo ang trabaho ninyo?” matalim nitong dagdag. Sandali na napatigil ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Ang isa ay muntikan nang magsalita nang malakas ngunit pinigilan siya ng kasama nito. ‘Heh~ mukhang kilala ako ng isa ah. Too bad, wala akong magagawa sa kanila,’ sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan. “Young Lady, nagtatanong lang po kami ng maayos,” sambit ng isang kalmadong lalaki. Tinitigan ni Li Muen ang lalaki saka niya ito tiningnan mula sa ulo hanggang sa paa. Nakaramdam naman kaagad ng takot ang lalaki ngunit hindi niya ito pinahalata. Nakita ni Li Muen na ang lalak