“A royal mission,” bigkas ni Li Muen na kinagulat nina Xidi Cheng at Liu Shi. ‘Kaya niyang magsalita ng ingles?’ hindi makapaniwalang sambit ni Liu Shi sa kaniyang isipan. ‘No, hindi dahil kaya niyang bigkasin ang salitang iyon ay marunong na siya.’ Nakita ni Li Muen ang gulat nina Xidi Cheng at Liu Shi ngunit huli na upang mabawi pa ito. Ayaw ni Li Muen na mapaghinalaan siya ng dalawang iyon kaya naman gumawa siya kaagad ng paraan. “May problema ba?” inosente na tanong ni Li Muen. Kaagad din naman kinilabutan sina Xidi Cheng at Liu Shi. Sa puntong iyon ay pinagdududahan na nila kung tama ba ang naging desisyon nila na manghingi ng tulong kay Li Muen. Kaya nilang tapusin ang misyon nila ngunit marami ang masasaktan kung kikilos silang dalawa at maari rin naman itong makasira sa royal